TRB: Walang Toll Hike Ngayong Semana Santa

NAGSIMULA NANG mag-inspeksyon ang Toll Regulatory Board (TRB) para matiyak ang ligtas na biyahe ng mga motorista ngayong Semana Santa.

Sinabi ni TRB Spokesman Julius Corpuz na wala naman silang nakikitang problema lalo’t walang toll hike na inaprubahan bago mag-Semana Santa, sang-ayon na rin sa kagustuhan ng Department of Transportation and Communication (DOTC).

Samantala, patuloy aniyang dinidinig ang toll hike petition ng South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX) na nasa 11% hanggang 13% pagtataas; Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa 7% hanggang 8%; Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) sa 19%; at Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) sa 20%.

Sa ngayon, magbabantay naman ang TRB hanggang Abril 2 para tumugon sa pangangailangan ng mga motorista.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.