Travel Warning ng US sa ‘PH, Nirerespeto – AFP

NIRERESPETO NG Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging hakbangin ng Estados Unidos hinggil sa pagpapalabas nito ng travel advisory para sa kanilang mga mamayan na magtutungo sa Pilipinas partikular sa Mindanao.

Sinabi ni AFP Public Affairs Chief Major Ramon Zagala na tama lamang para sa isang bansa na bigyan ng seguridad ang kanilang mga mamamayan lalo’t kung bibisita ang mga ito sa abroad.

Ayon kay Zagala, mayroon man o walang travel warnings, patuloy ang AFP sa pagiging matatag sa kanilang commitment na protektahan ang sambayanang Pinoy kasama ang mga dayuhan sa bansa.

Giit pa ng opisyal, nananatiling mapagmasid ang mga militar lalo na sa usaping panseguridad ng bansa partikular sa bahagi ng Mindanao.

Samantala, pagtitiyak ng AFP na ginagawa nila ang lahat sa pakikipagtulungan ng PNP upang maiwasan ang anumang insidente na posibleng banta sa peace and stability ng bansa.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.