Travel Ban sa Egypt, Nakaumang

PINAG-AARALAN NA NG Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang posibleng paglalagay ng travel ban sa bansang Egypt, dahil na rin sa patuloy na kaguluhan sa pulitika sa nasabing bansa, kung saan ay 25 katao na ang nasawi habang mahigit 100 na ang sugatan sa panig ng mga nagpoprotestang mamamayan at pulisya.

Ayon kay POEA Administrator Carlos Cao, mapipilitan silang ipag-utos ang travel ban sa lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Egypt kapag hindi naayos ang nagaganap na “political crisis” sa nasabing bansa.

“We are looking at suspending the deployment of workers to the crisis-torn country, kapag hindi pa bumuti ang sitwasyon sa loob ng mga araw na darating,” ani Cao.

Inihayag pa ni Cao na may kabuuang 6,569 ng Pinoy sa Egypt na karamihan ay pawang professional workers sa iba’t ibang tanggapan.

Ang kaguluhan sa pulitika sa nasabing bansa ay nagsimula noong pang nakalipas na linggo makaraang lumabas ng lansa-ngan ang libu-libong mamamayan na humihiling na patalsikin sa puwesto si President Hosni Mubarak. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.