Travel Agencies, Umaangal sa Sigalot sa Korean Peninsula

UMAALMA NA ang mga travel agency sa Pilipinas sa sunud-sunod na pagkansela ng kanilang mga naka-schedule na tour sa South Korea dahil sa takot kaugnay ng bantang giyera ng Pyongyang.

Ayon sa ilang travel agents, simula pa noong Holy Week o halos kasabay ng pagdedeklara ng North Korea ng “state of war” sa South ay nagsimula na nilang maramdaman ang problema.

Sinabi ni Edna Calleja, general manager ng Multidestination Inc. na 80-porsyento ng kanilang naka-schedule na tour sa South Korea ang nakansela matapos umatras ang kanilang mga kliyente kahit may mga visa na.

Buong buwan aniya ng Abril ay wala talagang nagpa-schedule ng tour sa South Korea kahit sinabihan na sila ng Korean Tourism Office na ligtas at walang dapat ikabahala ay ayaw pa ring magbaka-sakali ng mga turistang Pinoy.

Maging ang mga kumuha ng tiket na may stopover sa Seoul ay nagpa-refund o kaya’y nagpahanap ng ibang tiket na may direct flights.

Samantala, umaasa naman ang mga tour operator na maaayos ang problema para makabawi na sila lalo’t paborito nang puntahan ng mga turista ang South Korea.

Sa ngayon, ang inaalok muna nilang alternatibong destinasyon san mga turista ay Cambodia at Vietnam pero hindi umano ito sing-benta ng SoKor.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.