Traumatized by beauty pagent? Rich Asuncion is yet to receive P50 thousand cash prize from Binibining Pilipinas?!


NA-TRAUMA RAW ANG
isa sa main cast ng inaabangang afternoon soap ng GMA-7 na Sisid na si Rich Asuncion sa pagsali sa beauty pa-geant, kaya naman daw wala na siyang balak sumali ulit.

Ang siste raw, hindi pa rin daw naibibigay sa kanya ang premyong napanalunan nito sa Binibining Pilipinas na nagkakahalaga ng P50,000. Halos ilang taon na rin ang nakalipas since nag-runner-up si Rich sa itinuturing na pinakaaabangang pageant sa bansa. Pero hanggang ngayon, hindi pa napapasakamay nito ang napanalunang salapi.

At sa pagsabak nito sa pabalat ng FHM, kung saan sobrang sexy at daring ang kanyang litrato, isinarado na nga ni Rich ang pagkakataong makasali muli sa pagandahang patimpalak dahil isa sa ipinagbabawal ng mga national beauty pageants ang pagpo-pose sa mga men’s magazine.

Kung sa bagay, positibo naman ang pagpapa-sexy ni Rich sa FHM dahil nang mag-survey kami sa mga magazine stand ay pare-parehong sinabi ng mga may-ari nito na malakas ang benta ng FHM na si Rich ang cover.

 

MARIING ITINANGGI NG GMAAC artist at isa sa leading man ni Jackie Rice sa Sisid na si Dominic Roco na may ilangan factor sa kanila ni JC Tiuseco sa set, dahil na rin sa pareho silang may nakaraan kay Maxene Magalona.

Ayon kay Dominic, okey naman daw ang working relationship nila ni JC, dahil hindi naman daw nila pinag-uusapan o sumasagi man lamang sa kanilang kuwentuhan si Maxene.

Tsika pa ni Dominic na labas daw ang personal nila ni JC sa trabaho. Para raw rito, ang nakalipas ay nakalipas na. Basta happy raw siya ngayon sa kanyang latest inspiration na ayaw na nitong sabihin kung sino. Basta ang mahalaga raw, masaya siya. ‘Yun na!

 

BONGGA AT STAR-STUDDED ang katatapos na launching ng Black Book ng GMA Artist Center na ginanap sa Republiq sa Resorts World kung saan rumampa ang maniningning na artist ng GMAAC.

Ilan sa umagaw ng atensiyon sa dumalong mga bisita sina Iza Calzado na napakaganda at sexy nang gabing iyon, Kristoffer Martin, Alden Richards, Luigi Revilla, at Derrick Monasterio na napaka-guwapo .

Habang seksing-sexy naman ang dating nina Rhian Ramos, Ryza Cenon, Vaness Del Moral, Joyce Ching, Chariz Solomon, Lexi Fernandez, Louise Delos Reyes, at Kris Bernal. At sa hanay pa ng kalalakihan, super sexy ang mga hunks na sina Aljur Abrenica, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Prince Stefan, Gino Dela Peña at Steven Silva. Agaw-eksena rin sina Tim Yap, La Diva na kinabibilangan nina Aicelle, Jonalyn at Maricris, at Steph Henares.

 

OKEY NAMAN DAW ang paghihiwalay ng landas nina Rochelle Pangilinan at ng kanyang manager na si Joy Cancio. Ayon sa isa sa star ng Amaya, pumunta siya kay Joy at maayos na nagpaalam.

Naging maayos naman daw ang kanilang naging pag-uusap kaya naman daw very thankful si Rochelle sa dating manager dahil kung hindi naman daw kay Joy at sa grupong SexBomb, wala siya sa kinatatayuan niya ngayon at hindi niya mabibili ang mga bagay na gusto niyang magkaroon katulad ng kanyang P5-M house at magagarang sasakyan.

Sa ngayon daw ay nasa pa-ngangalaga na si Rochelle ng ma-nager nina Dingdong Dantes, Angelika Dela Cruz, Jolina Magdangal, Carl Guevarra, atbp. na si Perry Lansigan. Matagal din naman daw pinag-isipan ni Rochelle ang kanyang desisyon umalis na sa poder ni Joy. Basta bigla na lang daw siyang nagising na gusto na niyang umalis at mag-try naman ng ibang hahawak ng kanyang career.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Traumatized by beauty pagent? Rich Asuncion is yet to receive P50 thousand cash prize from Binibining Pilipinas?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.