Trapik sa Caloocan, ‘di masolusyunan

SA LOOB ng 100 araw na panunungkulan ni Larry Castro, Caloocan City Department of Public Safety and Traffic Manegement (DPSTM) head, walang nagaganap na pagbabago na maresolbahan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa kanyang nasasakupan.

Patuloy pa rin ang pagsisikip ang trapiko dahil sa mga naglipanang mga street vendor at mga illigal na terminal na siyang mga pangunahing dahilan ng pagkakabuhol-buhol ng agos ng mga sasakyan.

Ang bangketa na dapat daanan ng mga nagsisipaglakad na residente ay hirap na hirap sa paglalakad sa dahilang parang kabuteng nagkakalat sa sidewalk ang mga illegal vendor.

Tulad halimbawa, ang mga nakakalat na vendor sa harap ng Victory Mall na makikita sa kahabaan ng Rizal Avenue Exgention ay hindi mahulugan ng karayom bunga ng mga napakaraming vendor at mga taong nagsisiksikan sa bangketa kaya tuloy ang daloy ng trapiko ay lubos na naaapektuhan.

Magmula sa kanto ng Bonifacio Monument Circle na patungo sa Maynila at papasok ng Caloocan ay hindi madaanan ng mga tao na nagsisipaglakad sa bangketa dahil ang sidewalk ay ginagawang parking at displeyan ng mga paninda kaya tuloy ang mga nagsisipaglakad ay mismong sa kalsada na nagsisidaan na takaw-disgrasya.

Sanhi rin ng trapiko ang mga illigal na terminal na hanggang sa ngayon ay hindi nareresolba ni Castro na ayon sa ilang impormante ay pinagkikitaan umano ng DPSTM chief.

Dahil dito, ipinaabot ng mga residente, commuters at driver ng iba’t ibang uri ng sasakyan kay Castro na magbitiw na sa kanyang posisyon dahil umano sa kawalan ng sapat kakayanan at kaalaman sa batas trapiko at hindi malutas-lutas na problema sa trapiko.

Inahalintulad din ng mga nabanggit si Castro sa isang pigurin na walang laman ang utak dahil pinasok niya ang pagiging hepe ng DPSTM gayong wala namang pinag-aralan o tinapos ng kursong traffic management.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.