Transport Group Leader, Patay sa Ratrat

PATAY ANG isang lider ng transport group matapos na paulanan ng bala sa Dr. A. Santos Avenue, Parañaque City.

Kinilala ang nasabing biktima na si Edito Ruaya, chairman ng NAIA Transport Service Cooperative.

Sinabi ni Parañaque Police Chief Sr. Supt. Billy Beltran na may lalaking pumasok sa compound ng kooperatiba at binaril sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktima habang nasa garahe.

Kalibre .45 na baril aniya ang ginamit ng tumakas na salarin.

Samantala, nabanggit ni Beltran na nakatatanggap ng death threat ang biktima nitong mga nakaraang araw.

Sa ngayon, iimbestigahan aniya nila kung sino ang nasa likod ng pagbabanta at aalamin kung ito rin ang responsable sa naturang insidente.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.