Transport caravan kontra PDAF scam, kasado na ngayong araw

KASADO NA ngayong araw ang transport protest caravan ng grupong Pinagkaisahang Samanahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) bilang bahagi ng pagkondena sa pork barrel scam.

Ayon kay PISTON President George San Mateo, bukod sa naturang isyu kanila ring ipamumukha sa kasalukuyang administrasyon ang mistulang panghoholdap sa mga tsuper dahil sa tumataas na presyo ng bilihin, at overpricing sa langis.

Sa Kamaynilaan, sisimulan ang caravan sa Land Transportation Office (LTO) sa East Avenue, Quezon city alas-8:00 ng umaga.

Tutungo ang grupo sa Mendiola, Maynila para magsagawa ng programa hanggang ala-1:00 ng hapon.

Samantala, bukod pa sa Metro Manila, magsasagawa rin ng transport protest caravan sa Laguna, Albay, Iloilo City, Bacolod, Dumaguete City at Davao City.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.