Transparent Consultation, Tiniyak sa Dagdag-Pasahe sa LRT at MRT

HINIMOK NI Transportation Sec. Joseph Emelio Abaya ang publiko na lumahok sa gagawing public consultation hinggil sa isinusulong na fare adjustment para sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) system.

Una nang inaprubahan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang board resolution na nagpapataw ng P10-increase sa singil ng rail services.

Sinabi ni Abaya na target umano nilang gawing “installment” ang pagpapatupad nang dagdag-pasahe, kung saan P5 muna ngayong taon at sa susunod na taon naman ang balanse.

Aminado rin ang kalihim na nagsilbing “go signal” sa kanila ang anunsyo ng Pangulong Noynoy Aquino III sa nakaraan nitong State of the Nation Address (SONA) para kaagad aksyonan ang nakabinbing plano.

Ayon pa kay Abaya, layunin nang umento sa pasahe ay para mabawasan ang pinapasang subsidy ng pamahalaan sa LRT at MRT at sa halip ilaan ang matitipid na pondo sa ibang priority projects ng gobyerno.

Ang MRT Line 3 ay bumibiyahe ng North Edsa sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa lungsod ng Pasay, habang ang LRT Line 1 ay bumibiyahe ng Roosevelt sa Quezon City hanggang Baclaran sa Pasay City.

Samantala, sa panig ng Palasyo, tiniyak din ni presidential spokesperson Edwin Lacierda na magiging transparent at makatotohanan ang gagawing public consultation.

(PARAZZI REPORTORIL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.