Transparency Server, Gustong Ipasuspinde ng Comelec

PINAG-AARALAN NG Commission on Elections (Comelec) ang pansamantalang paghinto sa pagbibilang ng Transparency Server nito bi-

lang respeto sa canvassing ng National Board of Canvassers (NBOC).

Sa Transparency Server kumukuha ng resulta ng boto ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) gayundin ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at mga TV networks.

Magbabalik normal naman aniya ang operasyon ng server oras na matapos ang proklamasyon ng buong 12 senador.

Nilinaw naman ni Brillantes na patuloy na tatanggap ang Transparency Server ng mga datos sa transmission ngunit hindi lamang nito iaanunsyo ang bagong listahan.

Bukod dito, sinabi ni Brillantes na nakabinbin pa rin ang canvassing sa party-list na siyang isusunod matapos ang senatorial count.

Posible aniyang tumagal pa ito ng tatlo hanggang limang araw.

Samantala, sa gitna ng pagpapatigil sa Transparency Server, sinabi ni Brillantes na tuloy ang operasyon ng central server bagama’t hindi ito isinasapubliko.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.