TransComm, nahaharap sa mga pagsubok

AMINADO ANG pamahalaan ng Pilipinas na nahaharap sa maraming pagsubok ang bagong tatag na Transition Commission (TransComm) sa pagbuo ng bagong batas para sa Bangsamoro political entity na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay government chief negotiator Professor Miriam Coronel-Ferrer, kai-langang malagpasan ng 15-man member TransComm ang pagsubok para sa “inclusivity, transparency at constitutionality” ng bubuuing draft law.

Sinabi ni Ferrer na dapat mailusot sa Kongreso at mapagtibay sa pamamagitan ng plebisito ang naturang batas kaya tiyak na dadaan ito sa masusing proseso.

Tiniyak rin ni Ferrer na magiging tutok ang pakikipagtrabaho ng government peace panel sa TransComm para sa kinauukulang patakaran, procedures at kinakailangang financial and logistical systems.

Samantala, kabilang sa miyembro ng TransComm sina Akmad A. Sakkam, Johaira C. Wahab, Talib A. Benito, Asani S. Tammang, Pedrito A. Eisma, Froilyn T. Mendoza, Fatmawati T. Salapuddin Robert M. Alonto, Abdulla U. Camlian, Ibrahim D. Ali, Raissa H. Jajurie, Melanio U. Ulama, Hussein P. Munoz at Said M. Shiek. Mohagher Iqbal, kasalukuyang chair ng MILF peace panel na siya na ring tatayo bilang Chairperson ng komisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.