Trak vs Poste: 1 patay, 15 pa grabe

ISANG GINANG ang nasawi habang umaabot sa 15 ang sugatan nang mabangga sa poste ang forward truck sa Sitio Kolondatal, Barangay Tablu, Tampakan, South Cotabato.

Nanggaling ang truck sa Brgy. Miasong, Tupi, South Cotabato at pa-punta sana ito sa lungsod ng Koronadal lulan ang mga negosyante ng gulay upang magbenta.

Subalit pagdating sa Brgy. Tablu, Tampakan, nawalan ng preno ang sasakyan dahilan upang magdesisyon ang driver na ibangga na lamang ito sa poste upang hindi sila mahulog sa napakalalim na bangin.

Agad namang rumes-ponde ang Tampakan PNP sa nasabing aksidente kung saan agad na dinala ng mga ito ang mga biktima sa South Cotabato Provincial Hospital.

Namatay bago pa magamot ang pasahe-rong si Prudencia Ardimil, residente ng nasabing lugar.

Nakilala naman ang mga sugatan na sina Joey Valencia, driver at anak ng may-ari ng naturang forward truck, Michael Imar, Elena Estapader, Virginia Valencia, Gina Lingkasan, Bernadette Malig-on, Mercidita Teves, Elen Samio, Delia Palmes, Cheryl Malig-on, Dencio Emarga, Merlyn Escobillo, Patrick Oralde, Julita Subak, at Rosalinda Gabihan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.