Trak vs. dyip: 9 patay

SIYAM NA katao ang kumpirmadong nasawi sa banggaan ng pampasaherong jeep at truck sa highway sa Barangay 18, Sarrat, Ilocos Norte kahapon ng alas-7:30 ng umaga.

Nakilala ang mga binawian ng buhay na sina Evelyn Canonizado; anak niyang 5-taong gulang na si Reilie; ang mga estudyanteng sina Mickey Agbayani, Angelika Cruz, Jessica Doropan; ang drayber ng jeep na si Lindberg dela Cruz; habang hindi pa nakikilala ang tatlo.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng awtoridad, papuntang Laoag City ang pampasaherong jeep na puno ng mga pasahero, karamiha’y mga estudyante. Nag-overtake umano ang nasabing jeep at nasalpok ang kasalubong na truck.

Dahil sa lakas ng banggaan, bumaligtad ang pampasaherong jeep.

Isinugod naman sa Ablan Hospital ang mga nasugatan sa naturang insidente kung saan 6 dito ang kritikal pa rin.

Samantala, hindi naman nasugatan ang drayber ng truck na si Vencio Butac.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring aksidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.