Trak, nawalan ng preno; bumangga sa gasolinahan2 PATAY, 2 SUGATAN

DALAWANG KATAO ang nasawi habang dalawa pa ang sugatan sa pagsalpok ng isang dump truck sa isang gasoline station sa MacArthur Highway sa Karuhatan, Valenzuela City.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina Ramon Gabayan, 52, dump truck driver, ng Palridel Bulacan at Jonathan Miguel, 21, Gas Boy, ng Bagbaguin, Valenzuela City.

Sugatan naman ang pahinante ng trak na si Raymond Pulay, 26, truck helper, na may  first degree burn; at Tomas Martin Dela Roma, 52, checker, kapwa ng Lingahan, Valenzuela City, na naipit sa truck.

Isang nagpapagasolinang closed van ang binangga pa ng trak at tinamaan din ng dispenser dahilan upang magliyab. Ligtas naman ang mga sakay nito.

Tumama pa ang van sa cashier booth na tumumba rin dahilan upang masugatan si Dela Roma.

Ayon kay Fire Office 3 Walter Fermalino, arson investigator ng Valenzuela Fire Department, mabilis ang takbo ang dump truck na may plakang (UMB-943), kung saan isang trailer truck na may kargang plywood ang binangga nito bago ito mawalan ng kontrol at sumalpok sa gasolinahan.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.