Trak, Nahulog sa Palayan; 33 Sugatan

TATLUMPU’T TATLO katao ang sugatan matapos t tumagilid at mahulog sa isang palayan ang isang truck sa Pacol, Naga City, Camarines Sur.

Sa ulat, pawang mga empleyado ng Aman Engineering Services ang mga biktima na pauwi na sana galing sa kanilang trabaho.

Ayon sa tsuper ng truck na si Antonio Bejerano, nawalan siya ng kontrol nang iwasan ang isang residente na bigla na lamang tumawid sa kalsada.

Nabatid na kabuuang 40 mga manggawa ang lulan ng truck.

Kasong Reckless Imprudence Resulting to Multiple Physical Injuries ang kakaharapin ngayon ni Bejerano na nananatili pa sa ospital dahil sa tinamong pinsala sa katawan.

 (S. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.