Trak, Nahulog sa Bangin; 4 Patay, 54 Sugatan

PATAY ANG apat na katao matapos mahulog ang isang dump truck sa may Sitio Linayan, Barangay Nalbu sa Mayoyao, Ifugao.

Base sa ulat ng Cordillera Office of the Civil Defense, kamakalawa nang mangyari ang aksidente kung saan sakay ang mga biktima sa truck na pagmamay-ari ni Mayor Ronnie Lumayna.

Galing umano sa kasalan ang mga biktima sa Barangay Alimit nang mahulog ang trak sa bangin na may lalim na 100 metro.

Sinasabing bigla na lamang lumambot ang bahagi ng lupa sa gilid ng bangin na dinaraanan ng trak kaya dumausdos ito.

Samantala, kinilala ni Cordillera OCD Regional Director Andrew Alex Uy ang mga nasawi na sina Rodelyn Pumecgoy, 22; Felix Jude Naila, 32; Joel Labad-ao, 21 at Joysler Apugao, 22.

Maliban naman sa mga nasawi, 54 naman ang nasugatan at siyam dito ang nasa kritikal na kundisyon na agad isinugod sa pagamutan sa Santiago City, Isabela.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.