Trak na May Kargang Iligal na Troso, Nasabat

PATULOY NA inaalam ng pulisya katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office kung kanino nakarehistro ang truck nasabat sa Brgy. Datal Tampal, Malungon, Sarangani province dahil sa karga nitong mga iligal na troso.

Nasa kustodiya na ng Malungon-PNP ang aabot sa 800 board feet na gemilina at mahogany matapos masabat sa isinagawang sa checkpoint.

Plano sanang ipuslit patungong General Santos City ang mga nasabing kahoy subalit naharang ng mga pulis matapos makatanggap ng tawag mula sa hindi nagpakilalang tipster.

Sinasabing tumakas ang drayber ng naturang truck na may plate number LAW 446 dahil sa kawalan ng mga ipakikitang dokumento.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.