Trahedya sa DRT Highway: Isa Patay; 3 Sugatan

HALOS INABOT ng siyam na oras bago natanggal ng Bulacan Rescue ang katawan ng bangkay ng isang babae na naipit sa head tractor ng isang trailer makaraang tumaob sa kahabaan ng DRT Highway, Brgy. Makinabang, Baliuag, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Josephine Rodriguez, 42 anyos, asawa ng sugatang driver ng truck na si Pedro Rodriguez, Sr., 50 anyos, at anak nito na si Pedro Rodriguez, Jr., 19 anyos, kapwa residente ng Brgy. Saranay, Cabanatuan City; habang nagtamo naman ng kaun-ting galos ang driver ng Montero na umiwas lamang sa aksidente na si Carlos Mendieta, Jr., 35 anyos, ng Brgy.Talampas, Bustos, Bulacan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-3:20 ng madaling-araw nang tumaob ang trailer truck lulan ang 1,250 kaban ng bigas mula sa lalawigan ng Isabela na pag-aari ng Silver Star Grain Center.

Nabatid na dadalhin sana ang naturang mga sako ng bigas sa bahagi ng Quezon City, subalit naganap ang hindi inaasahang pagsabog ng gulong sa unahang bahagi ng sasakyan dahilan upang mawalan ito ng balanse.

Samantala, kanya-kanyang hakot ng bigas ang mga residenteng malapit sa lugar na sa halip na tulungan ang mga biktima, pinagnakawan pa ang mga ito.

Ayon kay Perdo Jr., hindi naman umano mabilis ang pagpapatakbo ng kanyang ama. Nagsimula aniya ang aksidente nang iwasan umano ng trailer truck ang isang motorsiklo, subalit aksidente aniyang sumabog ang gulong nito sa unahang bahagi ng sasakyan dahilan upang mawalan ito ng balanse, kaya tumaob.

Sa salaysay pa ni Pedro Jr., alas-3:30 nang dumating sila sa pagamutan ng Sagrada Familia Hospital, subalit hindi sila ginamot ng mga doktor doon, dahil kailangan umano na mag-down muna sila ng pera bago sila lapatan ng paunang lunas.

Dahil sa tindi ng tinamong pinasala ng kanyang ama, na noo’y nanghihina na sa dami ng dugo na tumapon mula sa malaking sugat sa kanang sintido, kahit hirap na hirap siya, pinilit niyang bumalik sa tumaob na truck upang kumuka ng pera, para lamang magamot ang kanyang ama dakong alas-4 ng madaling-araw.

Aniya, matapos siyang makakuha ng pera sa nakataob na truck, alas-6:00 na ng umaga nang tahiin ang sugat ng kanyang ama. Subalit hindi pa rito natapos ang kalbaryo ni Pedro Jr. Dahil nga sa kakapusan ng perang pambayad, pinabayaan lamang umano sila sa ER ng pagamutan.

Dakong alas-11:00 naman ng tang-hali nang lagyan ng suwero ang pas-yente nang dumating ang mga kaanak ng mga biktima mula sa Cabanatuan City sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Dahil dito, nagpupuyos sa galit ang pamilya ni Rodriguez dahil sa kapabayaan ng pagamutan sa kanilang kaaanak na umano’y dobleng dumanas ng hirap mula sa trahedya ng aksidente hanggang sa ospital.

(TONY DELA PEÑA) 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.