Traffic sa Bacoor at Sugalan ni Recto

DUMAAN TAYO SA Cavite, sa mismong harapan ng Bacoor Municipal Hall noong isang araw upang alamin kung gaano ka-totoo ang mga ipinadalang sumbong.

Napatunayan ng dalawa nating mata… Totoo nga na walang pinipiling oras ang pagkaka-istak ng trapiko sa mismong harapan ng nasabing munisipyo at justice building.

Ang ugat ng pagkakabuhol-buhol ng trapiko?

Ang naghambalang na mga pampasaherong jeep na ginawang “terminal” ang nasabing kalsada.

Ang masakit, parekoy, may traffic aide mismo sa tagiliran ng mga nakahambalang na jeepney at panay senyas kunwari si mokong sa nagkakabuhul-buhol na mga sasakyan para umabante.

Pero hindi pinaaabante ng kumag ang mga jeepney na nasa tabi niya na mismong ugat ng matinding trapiko.

Napag-alaman din nating may “patong” ang ilang opisyal ng “traffic aide” at ilan umanong pulis Bacoor ang kumukunsinti sa operasyong ito.

Hindi tayo “kill joy” para silipin sa tuwina ang mga raket ng mga taong ito.

Pero, namputsa naman, parekoy, ako ang nahihiya para sa inyong raket…

Dahil ginagawa ninyo ang mga bagay na ito sa mismong dulo ng “tungki” ni Mayor Strike Revilla!

‘Pag hindi natigil ang raket na ito na nagdudulot ng malaking perhuwisyo sa mga motorista, dalawa lang ang sapantaha natin.

Kunsintidor si Mayor o madalang pa sa patak ng ulan kung dumalaw sa kanyang tanggapan!

Pero malakas ang kutob ko, parekoy, na kapag nalaman ni Mayor ang raket sa dulo ng kanyang “tungki”, tiyak… Strike Revilla!!!

ILANG CHIEF OF police ang sinibak na sa iba’t ibang lugar dahil sa mga iligal na sugal sa kani-kanilang lugar.

Sa bisa raw ito ng ipinangako noon ni P-Noy na “daang matuwid”.

At kaya sila sinibak dahil pinili ng mga lintek ang “daang baluktot”.

Pero ang mga hepe ng pulisya sa Malabon at Valenzuela City ay kampanteng-kampante habang pinanonood ang naglipanang makina ng “video karera” ni Rey Recto sa kani-kanilang erya.

Mistulang pader sila, parekoy, na hindi kayang galawin ng NPDO Director sa kabila ng naglipanang iligal na sugal.

Pakuya-kuyakoy lang ang mga lintek.

Marahil ay bundat na bundat sila.

Mula sa “grasya” ni Rey Recto!!!

Kahit pa nga ang kanilang dinaraanan . . .

Ay daang baluktot!!!

Isa lang ang ibig sabihin kung bakit hindi nasisibak ang mga hepe sa dalawang nabanggit na lugar…

Ganu’n kaepektibo ang kamandag ng pera ng gambling lord na si Rey Recto.

Nagyayabang pa nga raw ang isang tauhan ni Recto.

Kung noon daw kasagsagan ng kampanya ni dating PNP Chief Panfilo Lacson ay hindi natinag ang kanilang operasyon.

Ngayon pa kaya?

Tarantado pala itong animal na tauhan ni Recto.

Hindi mo ba alam, na gago ka, na mas matindi ang kampanya ngayon ng PNP laban sa iligal na sugal?

Itanong mo nga kay DILG Usec. Rico Puno!

Kung magkano ang kanya! Ehek!!!

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

One thought on “Traffic sa Bacoor at Sugalan ni Recto

  1. F.Y.I. – Tinutulugan lang po ni Mr. Strike Revilla ang mga problema sa kanyang bayan ng Bacoor o di kaya namay pinapasa lang sa ibang ahensya katulad ng MMDA may kakayahang ayusin ang trapiko at itapon ng maayos ang basura. Kung pamilya nga niya hindi niya madisiplina, mga alipores pa kaya nya? Patunay na dito ang matinding pagbabara ng trapiko sa kahabaan ng Aguinaldo Highway partikular sa harap ng kanilang mansyon tuwing may okasyon sa nasabing mansyon… ang dahilan… ginagawa lang namang car parking lot ng mga bwisita nila ang kahabaan ng Aguinaldo Highway.

Leave a Reply

Your email address will not be published.