Traffic Enforcer, Tinubo ng Driver

KALABOSO ANG isang driver matapos hatawin ng tubo ang ulo ang traffic enforcer na nagpapa-abante na sa pinasadang jeepney ng una dahil nagkaka-trapik na sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Direct Assault si Raymond Malapit, 44, ng 6th Avenue ng lungsod.

Putok naman ang ulo ni Jose Cuevas, 57, miyembro ng Department of Public Safety and Traffic Management ng Caloocan City Hall.

Batay sa ulat, alas-8:30 ng gabi, nagmamando ng traffic ang biktima sa tapat ng Grand Goteco Mall sa Monumento ng lungsod nang mapansin ang suspek na nakahinto at naghihintay ng pasahero.

Dahil nagkakaroon na ng trapik ay sinabihan ng biktima na umalis na ang suspek na ikinagalit ng huli sabay mura sa traffic enforcer.

Hindi pa nakutento ang suspek at kumuha ng tubo bago hinataw ang ulo ni Cuevas na naging dahilan ng pagputok.

Nakahingi ng tulong sa mga kasamahan ang biktima na naging dahilan upang arestuhin ang suspek habang nakatakas ang kasama dala ang ginamit na  tubo.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.