Traffic enforcer, patay; kasamahan, sugatan sa violators

NAGSASAGAWA NA NG manhunt operation ang mga operatiba ng Navotas Police, para sa agarang ikadarakip sa suspek na bumaril sa dalawang miyembro ng traffic enforcer na ikinamatay ng isa habang sugatan ang isa makaraang sitahin ng mga huli ang una sa hindi pagsuot ng helmet kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na nakilalang si Joel Castillo, nasa hustong gulang, ng # 30 Patria St., Balut, Tondo, Manila na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril lulan ng motorsiklong Yamaha Mio na may plakang UM-2304 at isa pang kasamahan na ‘di pa nakikilala.

Patay na nang idating sa Tondo Medical Hospital sanhi ng tinamong tama ng baril sa dibdib at tiyan ang biktimang si Crisanto Roxas, 42, may-asawa, habang nilalapatan ng lunas si Charslton Luzuriaga, 28, may-asawa, kapwa miyembro ng Public Order and Safety Office (POSO) ng pamahalaan lungsod ng Navotas, M. Naval St., Brgy. Sipac ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa panulukan ng Lapu-Lapu Ave. at M. Naval St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod.

Nabatid na lulan ang mga suspek ng motorsiklo nang dumaan ang mga ito sa nasabing lugar, at dahil walang suot na helmet, sinita ang mga ito ng mga biktima at kinuha ang lisensiya, na ikinagalit ng mga una.

Dito, agad na binunot ng isa sa suspek ang dalang baril at pinagbabaril ang mga biktima na naging dahilan ng pagkamatay ni Roxas at ikinasugat ni Luzuriaga.

Kaugnay nito, agad na inatasan ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang kanyang kapulisan sa mabilis na pagresolba sa kaso at ikadarakip ng suspek at sa kabila nito ay lalo pang paiigtingin ng pamahalaan lunsod ang pagpapatupad ng kanilang batas at parurusahan ang sinumang lalabag.

Sinabi pa ng alkalde, na sasagutin nito ang lahat ng gastuhin sa napatay na si Roxas kabilang na ang pagpapalibing nito. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Traffic enforcer, patay; kasamahan, sugatan sa violators

Leave a Reply

Your email address will not be published.