Traffic enforcer, niratrat ng riding-in-tandem

DEAD ON arrival sa Our Lady of Mercy Hospital ang isang traffic enforcer, makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng DRT Hi-way, Brgy. Cut-cot, Pulilan, Bulacan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Epitacio Calderon, 57 anyos, residente ng Brgy. Balatong B sa nabanggit na bayan.

Base  sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-2:30 kahapon nang pagbabarilin ang biktima habang nasa oras ng kanyang trabaho sa junction ng Pulilan.

Nabatid na bigla na lamang dumating ang mga suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang ilang basyo ng cal. 45 at cal. 40 na baril at 3 slugs ng bala.

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung ano ang motibo at kung sino ang nasa likod ng karumaldumal na pamamaslang.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.