Trader, nagbaril sa loob ng motel

PATULOY ANG imbestigasyon sa pagpapakamatay ng isang negosyante sa inupahang kuwarto ng isang motel sa Iloilo City.

Kinilala ang biktima na si Erwin Lagon, 29-anyos, residente ang Ungka, Jaro.

Ayon sa roomboy ng Katrina Lodge, mag-isang nag-check in ang biktima sa room 38.

Mga ilang minuto ay narinig na lamang nila ang putok ng baril at nang siyasatin ito sa nirentahang kuwarto, kanilang puwersahang pinasok para alamin kung ano ang nangyari.

Laking gulat na lamang ng mga roomboy nang matagpuang naliligo sa sariling dugo si Lagon dahil binaril nito ang sariling ulo.

Dinala pa sa West Visayas State University Medical Center ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

Sa panayam sa kaanak ng biktima, sinabi ng mga ito na wala silang nalalamang problema ni Lagon.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.