Trader, Kulong sa Suhol

HINDI UMUBRA sa hanay ng awtoridad ang kislap ng salapi bagkus ay tapat na serbisyo ang pinairal nang tangkain ng isang coco lumber trader na suhulan ang mga awtoridad dahil sa mga hinarang na undocumented na kargamento sa Lucena City, Quezon.

Ayon sa pahayag ni PNP Lucena, Chief Insp. Job De Mesa, nagpapatrolya sila sa pangunguna ni PO3 Alex Berbano nang mamataan ang suspek na si Jobel Abas, taga-Tayabas City, na lulan ng isang jeep at kargado ang jeep ng mahigit sa 35 piraso ng coco lumber.

Ayon kay De Mesa, hinihingian nila ng dokumento si Abas para sa mga kargamento subalit wala itong nailabas na awtorisadong papeles.

Dahil dito, tinangka pa umano ng suspek na suhulan ang mga pulis ng halagang P5,000 subalit hindi nagpadala sa kislap ng pera kung kaya’t kanilang inaresto si Abas.

Bukod sa kasong Corruption of Public Official dahil sa panunuhol ni Abas ay sasampahan din ito ng kasong paglabag sa Coconut Preservation Act (RA 8048), samantalang ang mga nakumpiskang coco lumber ay dinala agad sa Philippine Coconut Authority.

(SIGRID CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.