Trader, Broker, Kinasuhan sa Smuggling ng Droga

KINASUHAN SA Department of Justice (DoJ) ng Bureau of Customs (BoC) ang consignee, broker at trader ng nasabat na P38 milyong halaga ng mga gamit sa paggawa ng Shabu at P17.6 milyong halaga ng sangkap sa paggawa ng iligal na droga.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, kinasuhan nila si Wilfredo Almario Bitancor, ang may-ari ng W.A. Bitancor Enterprises na siyang consignee ng limang 40-footer container van sa Port of Manila, gayundin ang broker na si Franco Robiso Celso at ang trader na si Marvin Simon Sia.

Idineklara bilang mga gamit sa kusina ang mga nasabing kontrabando na tinangkang ipuslit ng bansa galing Taiwan subalit nang inspeksyunin ay tumambad sa mga awtoridad ang iba’t ibang kemikal at kagamitan sa paggawa ng Shabu.

Kasong paglabag sa Anti-Smuggling Act at Anti-Illegal Drug Law ang isinampang kaso laban sa consignee at broker. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.