Trabaho sa Navoteños, isinusulong ni Tiangco

BUNSOD NG PAGLOBO ng Filipinong walang trabaho, nabigyan ito ng solusyon ni Navotas City Mayor John Reynald Tiangco, sa lungsod at isinusulong nito ang Livelihood program sa 14 na barangay.

Ang “One Barangay One Product” ay mayroon na ring Livehood Center, naroon ang lahat ng produkto ng labing apat na barangay ng lungsod, libreng training skills, pagtuturo sa pag-aplay sa trabaho tulad ng paggawa ng bio-data, pagbibigay ng trabaho depende sa kursong kanilang tinapos, at fund assistance para sa mga nais na palakihin ang kanilang negosyo.

Kamakailan lamang ay naipalabas sa ABS-CBN “Ako ang Simula” program ni Karen Davila, ang livelihood project ng Barangay Bangkulasi, ito ay ang Fish Imbutido.

Ayon pa kay Mayor Tiangco, nais niyang iangat ang kabuhayan ng kanyang mga kababayan ay maiahon sa kahirapan at maiiwas rin ang mga ito na masangkot sa anuman kapahamakan lalo na ang mga kabataan.

Sa mahigit anim na buwan na ang programa ng alkalde, malaki na rin ang naitulong nito sa Navoteños at halos nalulutas na rin ang suliranin sa kawalan ng trabaho.       (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.