Trabaho ng senado, apektado ng trial

AMINADO SI Sen. Miriam Defensor-Santiago na posibleng maapektuhan na ang mga panukalang batas sa Senado dahil sa impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona, kung saan ang mga senador ang siyang tumatayong senator-judges.

Ayon sa senadora, sakaling matagalan ang impeachment trial ay maaaring ma-delay ang mga panukalang batas na nakahain sa Senado.

Posible ring matagalan pa ang impeachment proceedings sa kaso ni Corona dahil sa dami ng testigo ng prosecution panel, ani Santiago.

Kasabay nito, iginiit ng mambabatas na hindi naman kailangan ang sobrang dami ng mga testigo sa isang kaso kundi ang substance ng isang testigo sa isinasagawang trial.

Una nang inihayag ang Palasyo na hindi nakalulula ang mahigit 100 testigo na balak iharap ng prosekusyon laban sa punong mahistrado.

Sa panig naman ng depensa, hindi nangangamba ang kanilang grupo sa dami ng mga testigo.

Matatandaang si Senate President Juan Ponce-Enrile ay napa-”Oh my God!” sa dami ng testigong nakahanay sa listahan ng prosekusyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.