Toy Gun, Ginamit sa Holdap

NADAKIP ANG dalawang holdaper kung saan ginamit ang baril-barilan sa mga binibiktima sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Ryan Diaz, 34, ng Sabalo St., at Jason Coroson, 20 ng Julian Felipe St., kapwa ng lungsod.

Sa ulat, alas-11 ng umaga nang holdapin ng mga suspek si Marie Labonite habang nakasakay sa pampasaherong jeep sa San Miguel St., ng lungsod.

Makalipas ang kalaha-ting oras ay hinoldap naman ng suspek si Mary Rose Capiral habang nakasakay sa pedicab sa Sabalo St., Caloocan City .

Nakahingi ng tulong si Capiral sa mga barangay tanod na naging dahilan upang madakip ang mga suspek at dalhin sa presinto.

Nakuha kay Diaz ang patalim at replica ng .9mm na gamit sa panghoholdap kung saan nabawi rin ang mga tinangay sa mga biktima.       (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.