Tourist Cruise Ship, Nagliyab

LIMANG TRIPULANTE ang dumanas ng smoke inhalation, isa ang malubhang nasugatan, habang 600 turistang Amerikano at European ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard matapos magliyab ang tourist vessel na karagatang sakop ng Tubbataha Reefs sa Palawan kamakailan.

Sinabi ni Naval Forces West Chief Commander Joseph Rostum Pena na kontrolado na ang sunog ilang oras matapos ang insidente at nasa maayos nang kalagayan ang mga biktima.

Batay sa report, mabilis na rumesponde ang pangkat ng Philippine Navy at Phil. Coast Guard-Palawan matapos na makatanggap ng distress call dakong alas-7:15 ng umaga kaugnay sa nasusunog na Malta passenger cruise ship na sinasabing naglalayag mula sa Singapore papuntang Indonesia.

Nabatid na pinagtulu-ngan ng 121 tripulante na pawang Pinoy na maapula ang apoy kaya hindi nakapinsala sa mga turista.

Tumulong din ang 570th Composite Air Wing ng Philippine Air Force sa search and rescue operation sa bahagi ng Mapun Island upang mapabilis ang search and rescue operation.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.