Tour guide na Wanted sa Kasong Murder, Nadakip Na

MATAPOS ANG halos 11 taong pagtatago sa batas ng isang tour guide sa kasong Murder, nadakip na ito ng mga awtoridad sa Brgy. Sta. Ines, San Miguel,Bulacan kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Arsenio Vivar Y Gutierrez, 35 anyos, isang tour guide, tubong-Iba, Hagonoy at residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas- 5:30 ng hapon nang makita ang suspek habang nasa isang kuwentuhan.

Inaresto si Vivar, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Branch 14 RTC Judge Petrita Braga Dime sa kasong Murder.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa San Miguel Municipal Jail, kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

(TONY DELA PEÑA)  

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.