Totoy, Todas sa Trak

MAAGANG KINUHA ni kamatayan ang isang 7-taong gulang na batang lalaki makaraang magulungan ito ng trak habang namuulot ng pako sa kalsada sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Caloocan City Police Station Traffic Division ang biktima na si Jaymark Tongol, 7, ng B33 Lot 2, Bangayngay, Sabalo, Brgy 12 ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay SPO2 Virgilio B. Menina, imbestigador at may hawak ng kaso, dakong alas-3:00 ng hapon nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Dagat-Dagatan Avenue kanto ng Accohomes St. partikular sa harap ng NHS Trucking.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO2 Menina, kasalukuyang nakahinto ang Fuso Tractor Head na may plakang RGT-637 na minamaneho ni Agustin Centino, ng Congressional Avenue, North Compound, Dasamariñas, Cavite, at naghihintay ng go signal para makapasok sa NHS trucking container yard.

Bigla umanong umatras ang nasabing truck dahilan upang maatrasan ang biktima habang ito ay nakaupong namumulot ng pako sa sementadong kalsada.

Ang biktima ay nasagasaan ng hulihang gulong ng naturang trcuk kung saan ito ay mabilis na dinala sa Phil. Orthopidic Center subalit agad din inilipat sa Jose Reyes Memorial Medical Center, kung saan hindi na umabot nang buhay.

Kasalukuyan namang nasa detention cell ng nasabing himpilan ng pulisya ang suspek at inihahanda ang kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.