Totoy, todas sa kuryente

PATAY ANG ISANG batang lalaki matapos makuryente habang naglalaro sa isang abandonadong junkshop sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon si Shawn Reynald Amor, 5, ng Dumpsite, Sitio 6, Catmon ng lungsod.

Sa ulat, alas-5:30 ng hapon, naglalaro sa ulan ang biktima kasama ang apat na kalaro sa isang abandonadong junkshop malapit sa kanilang bahay nang madikit sa isang bakal na may kuryente. Nagkikisay ang bata na naging dahilan upang saklolohan at dalhin sa PLM.

Inaalam na ng mga pulis kung may pananagutan ang dating may-ari ng junkshop sa pagkamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.