Totoy, Tigok sa Pag-ihi

PATAY ANG isang totoy na umiihi makaraang madulas at mahulog sa tubig sa pumping station sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon si Dan Rey Cruz, 5 ng Taganahan St., Bagumbayan ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-2 ng hapon, umihi ang biktima sa gilid ng pumping ptation sa nasabing lugar nang madulas at lumubog sa tubig.

Nang makitang lumutang ay agad na dinala sa PLM subalit hindi na umabot ng buhay.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.