Totoy, Sugatan sa Bumagsak na Kisame ng Mall

SUGATAN ANG isang batang lalaki matapos bagsakan ng bahagi ng kisame sa South Arcade ng SM Mall of Asia.

Base sa video-sharing site na YouTuve, makikita sa video ang tipak ng nasirang kisame sa sahig at ang bata na nirerespondehan ng mga empleyado ng MOA.

Ayon sa SM Supermalls, kinumpirma ni Vice President for Operations Steve Tan na nasira ang bahagi ng kisame ng mall dahil sa lakas ng ulan at hangin.

“Due to the rains and strong winds yesterday, a portion of the Mall of Asia’s South Arcade ceiling was damaged. The damage was minimal but an 11-year-old boy was slightly injured. Full assistance was given to him by the SM team,” ayon kay Tan.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang SM sa kanilang kostumer sa nangyaring insidente.

“We apologize for whatever inconvenience this may have caused our customers and are repairing now the ceiling in the area.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.