Totoy, sinakal sa pang-aasar

NAGKAROON NG matin-ding pinsala sa lalamunan ang isang 11-anyos na bata makaraang sakalin ng isang water station helper matapos na mapikon sa pambubuska ng biktima sa Malabon City kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ng Malabon Police ang biktimang si Rafael Dehoya, 11, grade 3 pupil at residente ng Orange Road, Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang nakapiit sa detention cell ng nasabing himpilan ng pulisya ang suspek na nakilalang si Anthony Victores, 17, stay-in helper sa isang purified water station sa Pineapple St., Brgy. Potrero.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa harapan ng nasabing water station sa nasabing lugar.

Nabatid na kasalukuyang gumagawa ng kanyang trabaho ang suspek sa pinapasukang water station nang dumating ang biktima at kaagad umanong binuska ang huli na ikinapikon nito.

Mabilis na lumabas ang suspek sa tindahan ng purified water at hinabol ang biktima at nang mahuli ito ay ubod lakas na sinakal ang bata dahilan upang sumuka ng dugo at mawalan ng malay.

Kung hindi dahil sa mga istambay na naroroon ay baka tuluyang napatay ni Victores ang biktima na kaagad namang dinala ng mga tambay sa Pagamutang Bayan ng Malabon, kung saan ay nagtamo ang biktima ng matinding pinsala sa lalamunan.

Agad na idiniretso sa presinto ang suspek ng mga nagrespondeng pulisya kung saan ito ay ipinagharap ng kasong Serious Physical Injuries in relation to Child Abuse.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.