Totoy, Pisak sa Bus

HINDI NA umabot pa sa kanyang kaarawan ang isang totoy matapos mapisak ang katawan nito nang magulungan ng pampasaherong bus sa loob ng terminal sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Manila Central University hospital sanhi ng pinsala sa katawan si Rondave Suarez, 8, ng Brgy. Binuangan, Obando, Bulacan.

Sumuko naman si Rosalio Lupio, 41, ng Cabangan, Zambales at driver ng Nissan Bus (CVP-434) na pag-aari ng Victory Liner.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:50 ng hapon, naglalakad ang biktima kasama ang nanay at ilang kaanak sa terminal ng Victory Liner sa Monumento ng lungsod nang mabundol ng bus ng suspek.

Nagulungan pa ng kaliwang unahan ng gulong ng bus ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa MCU.

Nabatid na bago ang insidente ay kumain sa Jollibee ang mag-anak kung saan hiniling ng biktima na bumalik sa birthday ng totoy sa Marso 26, 2012 subalit sa hindi inaasahan ay nasawi si Rondave.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.