Totoy, Pisak sa 1 Libong Itlog

AGAD BINAWIAN ng buhay ang isang 10-taong gulang na batang lalaki, makaraang  maatrasan at magulungan ng isang jeepney na puno ng itlog sa Brgy. San Gabriel, Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si John Paul Quaresma, samantalang ang suspek naman na boluntaryong sumuko sa mga pulis ay nakilalang si Roderick Arzodon, 32 anyos, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa isang bakanteng lote sa nabanggit na barangay.

Nabatid na kadarating lamang ng Isuzu Tamaraw jeepney na may plakang CNP-365 na lulan ang higit sa isang libong piraso ng itlog, kung saan magpa-park sana ang nabanggit na sasakyan sa bakanteng lote, na sinisenyasan naman ng batang lalaki ang driver na suspek. Kaya laking gulat ng driver nang makita ang biktima na nakaipit ang ulo sa hulihang  gulong ng minamaneho nito.

Ayon sa driver ng sasakyan, ramdam niya na may nasagasaan siyang matigan na bagay sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan subalit hindi umano niya ito pinansin sa pag-aakalang mataas na bato lamang ang nagulungan. Subalit labis ang pagtataka nito kung bakit nakaipit ang ulo ng bata sa gulong.

Aniya agad niya itong binuhat patungo sa Rogaciano Memorial Hospital, subalit idineklara itong dead on arrival dahil na rin sa pagkapisak ng ulo.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa Sta. Maria Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.