Totoy, Pisak ang Ulo sa Trak

HALOS LUMUWA ang utak ng isang 6-anyos na batang lalaki matapos mapisak at magulungan ng truck na kargado ng mga alak sa San Dionisio sa Iloilo City.

Minamaneho ni Rodolfo Buenas, ng Estacia, Iloilo, ang naturang truck na kargado ng alak at papaalis na sana sa palengke ng naturang bayan subalit hindi nito napansin na may bata pala sa likurang bahagi ng truck at doon naatrasan ang batang si Mark Jason Bañes ng Barangay Tiabas, San Dionisio habang naglalaro.

Ayon sa mga taong nakasaksi sa pangyayari, sinisigawan umano nila si Buenas na may batang nasagasaan sa pag-atras nito subalit mariing pahayag nito na hindi nito narinig ang mga ito at tuluyan nang pumailalim ang bata sa gulong ng truck at napisak ang ulo nito.

Kusang-loob namang isinuko ni Buenas ang sarili sa awtoridad at kasalukuyan nang nakapiit sa San Dionisio Municipal Police Station.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.