Totoy, Pinagtripang Latiguhin

KULONG ANG isang mister matapos pagtripang latiguhin ng lubid sa likod ang kapitbahay na totoy sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong child abuse si Jesryl Antofina, 38 ng Salay-salay St., ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat, alas-3 ng hapon, naglalaro ang totoy na edad-7 sa nasabing lugar nang lapitan ng suspek at hampasin ng nylon cord sa likod ang biktima.

Naglatay ang likod ng biktima na naging dahilan upang mag-iiyak at nang malaman ng mga magulang ng una ay humingi ng tulong sa mga pulis at ipinadakip ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.