Totoy, Patay sa SUV

TODAS ANG isang totoy matapos mabundol ng SUV habang ang una ay tumatawid sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Namatay habang ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng pinsala sa ulo si Maximus James Aguiliz Gabuat, 5 taong gulang, ng University Avenue, Potrero ng lungsod.

Sumuko naman sa mga pulis si Niño Gutierrez ng M. H. Del Pilar, Santolan ng lungsod, at driver ng Isuzu Altera (ZHG-138).

Base sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon, bi-nabagtas ng suspek ang Guava Road, Potrero ng lungsod nang biglang tumawid ang biktima.

Hindi na naiwasan ang totoy na agad na dinala sa MCU subalit namatay dahil sa pinsala sa ulo.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.