Totoy, Patay sa Bully ng 2 Kaklase

PATAY ANG isang bata matapos mabiktima ng bullying sa eskwelahan sa San Jose, Pili, Camarines Sur.

Base sa impormasyon, nabatid na kinantyawan umano ng kaiyang kaklaseng babae at lalaki ang siyam na taong gulang na biktima na nauwi sa matinding away.

Pinilipit umano ng dalawang bata ang kamay ng Grade 4 pupil na biktima at saka sinuntok.

Bunsod nito, namaga umano ang braso ng bata hanggang sa makaramdam na ito ng labis na pananakit ng katawan.

Matapos ang tatlong araw ay dinala na umano ito ng ina sa pagamutan ngunit binawian pa rin ng buhay ang bata dahil sa cardiac arrest.

Sa ngayon, hustisya ang sigaw ng ina ng biktima na labis-labis ang pagdadalamhati sa biglaan at hindi inaasahang pagkawala ng kanyang malam-bing na anak na puno ng mga pangarap sa buhay.

Samantala, naka-takda namang umuwi mula sa Saudi Arabia ang ama ng bata upang personal na asikasuhin ang kaso ng kanyang anak.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.