Totoy, Patay na Nang Maiahon sa Ilog

PATAY NA nang maiahon sa ilog ang isang totoy matapos mahulog habang naglalaro sa tulay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Ian Zamora, 5-anyos, ng Sta. Quiteria, Caloocan City.

Sa ulat, ala-1 kamakalawa ng hapon nang mahulog ang biktima sa Tullahan River habang naglalaro sa tulay sa nasabing lugar.

Nang respondehan ng Caloocan City Rescue Team ay nakuha nina Rolando Paz at Ramon Duran ang totoy, pero patay na alas-6 kamakalawa ng gabi.    (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.