Totoy, Patay na Nang Lumutang sa Ilog

PATAY NA nang makitang lumulutang ang bangkay ng hindi pa kilalang batang lalaki sa Navotas Miyerkules Santo ng hapon.

Tinatayang nasa edad 2 hanggang 3 ang biktima na dinala na sa Marcelo Funeral Homes.

Base sa ulat, alas-5:30 ng hapon nang makitang lumulutang ang bangkay ng biktima sa Tanza Kaliwa ng lungsod.

Agad na itinabi sa pampang ang biktima kung saan wala naman nakakakilala rito.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis upang malaman kung sino ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.