Totoy, Nalunod sa Pool

RIZAL – PATAY ANG 9-anyos na batang lalaki matapos na malunod ito habang nagsasaya ang buong pamilya sa isang resort kamakalawa ng gabi sa bayan ng Binangonan.

Dead on arrival sa  Angono General Hospital ang biktimang si Bojo Belmonte, 9-anyos, estudyante, resident eng Blk 91,Lot 24, Phase 3A, Mabuhay Homes, Brgy. Darangan, ng nasabing bayan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa AB-RC Resort na matatagpuan sa National Road, Brgy. Tagpos, Binangonan, Rizal.

Nabatid na nagkayayaan ang mag-anak para mag night swimming at habang nasa kasarapan ng inuman at kainan ay hindi napansin na lumusong sa malalim na pool ang bata.

Makalipas ang ilang oras ay napansin ng isang kaanak na wala ang biktima kung kaya’t agad itong hinanap at nang makita ay naghihingalo na sa ilalim ng tubig.

Hindi ito ang unang insidente ng mga pagkalunod sa mga resort sa lalawigan subalit wala pa ring aksiyon ang mga lokal na pamahalaan.

Nabatid din na sa kabila ng malaking pera ang kinikita ng mga resorts dito ay walang life guard para tumingin sa mga naliligong kostumer subalit nakakakuha ang mga ito ng permiso  para magnegosyo.

(GIGI CONVOCAR )

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.