Totoy, nalunod sa drainage

PATAY NA nang matagpuan sa tabi ng creek ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki matapos itong aksidenteng mahulog sa bukas na drainage kamakalawa ng umaga sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ni Supt. Ulyses Cruz, hepe rito, ang biktimang si Rhionald Mendezabal, 3-anyos, residente ng Blk. 9, Lot 20, Brgy. Paliparan ng nasabing  lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Connie Susmerano, may hawak ng kaso, dakong alas -9:40 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa ilang concerned citizen ng nasabing lugar at dito ipinaalam sa kanila ang biktimang natagpuan.

Dakong alas-9 ng umaga nang matagpuan ang walang buhay na katawan ng bata na na-

kadapa sa tabi ng creek ng Brgy. Salawag, kung saan huling nakitang buhay ito ng alas-3:00 ng hapon habang nakikipaglaro sa mga pinsan nito.

Nakita umano ng kapatid ng biktima na 6 na taong gulang na nahulog ang biktima sa drainage at tinangay ng malakas na agos na tubig.

Agad na tumakbo ang ama at pamilya ng bata upang hanapin ito subalit nabigo silang matagpuan ang biktima at kinabukasan na ng umaga natagpuan ito.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.