Totoy, Nalunod sa Bakanteng Lote

TODAS ANG isang totoy matapos malunod sa hukay na puno ng tubig sa bakanteng lote sa tabi ng kanilang bahay sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital si Gen Mar Metro, 7, ng F. Dela Cruz, Maysan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6 ng gabi, hinahanap ang biktima ng kanyang tatay sa kanilang bakuran hanggang sa makita ang tsinelas ng totoy na nakalutang sa hukay na puno ng tubig sa katabing bakanteng lote.

Agad na sinisid ng tatay ang tubig hanggang sa makuha ang biktima bago dinala sa VGH subalit hindi na rin naisalba ang buhay ng totoy.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.