Totoy, Naaktuhang Binabaklas ang Nakaw na Tricycle

DINAKIP ANG totoy matapos maaktuhang pinaghihiwalay ang nakaw na tricycle sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Dinala sa Department of Social Welfare and Development ang suspek na edad 14, Batasan Road , Quezon City .

Sa ulat, alas-10 ng umaga, nagpapatrolya ang mga pulis nang makitang pinaghihiwalay ng suspek ang motorsiklo at sidecar sa bakanteng lote sa P. Deato St., Marulas ng lungsod.

Nang sitahin at hanapan ng papeles ng tricycle ay walang naipakita ang totoy na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Lumalabas na noong Oktubre 5, 2012, nakapa-rada ang nasabing tricycle Rusi PMR 125 (2882-XZ) na pag-aari ni Erlinda Cabalida sa tapat ng kanilang bahay sa Holy Spirit, Quezon City nang tangayin ng hindi pa kilalang suspek.

Inaalam na kung ang totoy ang tumangay ng tricycle at inaalam na rin kung may kasabwat pa ang una.  

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.