Totoy, Kritikal sa Ligaw na Bala

KRITIKAL ANG isang totoy matapos mahagip ng ligaw na bala habang naglalaro ang una sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo si Mark Zander Ala, 7 anyos, ng Chico Rd., Potrero ng lungsod.

Base sa ulat, alas-5 ng hapon, naglalaro ang biktima sa tapat ng kanilang bahay nang biglang bumagsak.

Nang tingnan ay dumudugo ang ulo na naging dahilan upang dalhin sa MCU.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.