Totoy, Kritikal sa Kaibigan

MALUBHANG NASUGATAN ang isang totoy matapos tamaan ng bala mula sa pengun na dala ng kaibigan habang naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan si Neldan Lobarbio, 14, ng Barrio Sta. Rita, Tala ng lungsod.

Pinaghahanap na ng mga pulis ang suspek na nakilala lang na si John Paul, kaibigan at kalugar ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-6:20 ng gabi, naglalakad ang biktima at suspek kasama ang isa pang kaibigan sa kani-lang lugar nang biglang maglabas ng pengun si John Paul at pabirong itinutok kay Lobarbio.

Biglang pumutok ang pengun at tinamaan ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa Tala Hospital bago inilipat sa EAMC habang nagtatakbo papatakas ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.