Totoy, Kinuhanan na ng Pera, Sinapak pa

KULONG ANG isang lalaki ma-tapos kunin ang pera at sapakin ang totoy sa Navotas kahapon ng umaga.

Nahaharap sa kasong Theft, Slight Physical Injuries in relation to Child Abuse si Edwin Villanueva, 34, ng R. Domingo st., Tangos ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-11 ng umaga, naglalaro sa labas ng kanilang bahay si Christopher Vasquez, 15, sa Emergency Relocation Center sa Tangos ng lungsod nang lapitan ng suspek at kunin ang pera sa bulsa ng totoy.

Pumalag ang biktima na naging dahilan upang sapakin ng suspek bago tumakas.

Nagsumbong naman sa mga magulang ang biktima na na-ging dahilan upang samahan sa barangay at ipadakip ang suspek sa mga tanod.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.